Skip to main content

Mga Legal na Patakaran at Pagtatatuwa

Salamat sa pagbisita sa website ng Department of Justice. Nasa ibaba ang mga legal na patakaran at pagtatatuwa para sa mga gumagamit ng site na ito. Ang mga patakaran at pagtatatuwa na ito ay nalalapat lamang sa site ng Department of Justice. Samakatuwid, kapag nag-link ka sa ibang site, napapailalim ka sa mga patakaran ng bagong site.

Mga Link sa Ibang Mga Website

Ang impormasyon na pino-post sa website ng Department of Justice ay kinabibilangan ng mga hypertext (text na may link sa ibang mga text) na link o mga payo sa impormasyong nilikha at pinanatili ng ibang mga pampubliko at/o pribadong organisasyon. Binibigay ng Department of Justice ang mga link at payo na ito para lamang sa iyong impormasyon at kaginhawaan. Kapag pumili ka ng link sa isang website sa labas, napapailalim ka sa mga patakaran sa pagkapribado, copyright, seguridad, at kalidad ng impormasyon sa website na iyon. Ang Department of Justice ay:

  1. HINDI kinokontrol o ginagarantiya ang katumpakan, legalidad, kaugnayan, pagiging napapanahon, o pagkakumpleto ng impormasyon na nilalaman sa isang naka-link na website;
  2. HINDI nag-eendorso sa mga naka-link na website, sa mga pananaw na kanilang ipinahayag, o sa mga produkto/serbisyo na kanilang inaalok;
  3. HINDI magpapahintulot sa paggamit ng mga naka-copyright na materyales na nilalaman sa naka-link na website;
  4. HINDI responsible para sa mga transmisyon na natatanggap ng mga gumagamit mula sa mga naka-link na website;
  5. HINDI ginagarantiya na sumusunod ang mga website sa labas sa mga kinakailangan sa pag-access ng Seksyon 508 ng Rehabilitation Act (batas na pangserbisyo sa mga may kapansanan). 

Ang mga link sa ibang pampamahalaan at hindi pampamahalaan na mga site ay karaniwang lilitaw kasama ang icon (maliit na grapikong simbolo ng programa) ng “panlabas na link” upang ipahiwatig na aalis ka sa website ng Department of Justice kapag pinindot mo ang link. External Link Icon  

Kapag makakita ka ng link na hindi gumagana mangyaring makipag-ugnayan sa Department of Justice Webmaster (dalubhasa sa web).

Pag-link sa Website ng DOJ

Pinahihintulutan ang mga link sa website ng Department of Justice website. Ang paggamit ng mga selyo ng Department of Justice, gayunpaman, ay protektado at nangangailangan ng paunang nakasulat na pahintulot tulad ng inilarawan sa ibaba. Ang katotohanan na ang isang website ay nagli-link sa site ng Department of Justice ay hindi nagpapahiwatig na ang Departamento ay may pananagutan sa nilalaman ng site na iyon, at lalong hindi ito nagpapahiwatig ng pag-eendorso sa site na iyon ng Departamento.

Estado ng Copyright at Sitasyon

Maliban kung iba ang ipinahiwatig, ang impormasyon sa mga website ng Department of Justice ay nasa pampublikong domain at maaaring kopyahin at ipamahagi na walang permiso. Ang sitasyon ng Department of Justice bilang pinagmulan ng impormasyon ay pinahahalagahan, kung naaangkop. Gayunpaman, ang paggamit ng anumang selyo ng Department of Justice ay protektado at nangangailangan ng paunang pahintulot, tulad ng inilarawan sa ibaba.

Kung ang pinagmulan maliban sa Department of Justice o ibang ahensya ng federal na pamahalaan ay ipinahiwatig sa isang larawan, grapiko, o ibang materyal, ang permiso para kopyahin ang mga materyales na ito ay dapat makuha sa orihinal na pinagmulan. Paalala lang na ang ilang mga larawan, mga grapiko at ibang mga materyales na ginagamit sa website na ito ay naka-copyright. Para sa impormasyon sa mga materyales na nabuo ng mga panglabas na entidad gamit ang pondo ng Department of Justice, mangyaring sumangguni sa mga patakaran ng indibidwal na bahagi. Ang paunawa sa copyright na ito ay nauukol lamang sa website ng Department of Justice.

Paggamit ng Mga Selyo ng Department of Justice at mga Bahagi, Mga Logo, Ibang Opisyal na Sagisag, Mga Pangalan at Inisyal

Ang mga selyo ng Department of Justice, mga logo at ibang opisyal na sagisag ay hindi maaaring gamitin o kopyahin nang walang nakasulat na pahintulot. Ang mga kahilingan para sa pahintulot na gumamit o kopyahin ng anumang selyo, logo, o ibang opisyal na sagisag ng isang bahagi ng Department of Justice ay isasangguni sa mga pinuno ng kaugnay na bahagi. Ang mga kahilingan para sa pahintulot na gumamit o kopyahin ang anumang selyo ng Departamento o ibang opisyal na sagisag ay isasangguni sa Assistant Attorney General (pangalawang pangkalahatang abogado) para sa Pamamahala. Ang pahintulot sa paggamit o para kopyahan ang mga selyo, mga logo o ibang opisyal na sagisag ng Departamento ay ipinagkaloob depende sa bawat kaso at nagsasangkot ng pagsasaalang-alang ng maraming nauugnay na mga salik, kasama: ang gastos o benepisyo sa Departamento o sa pamahalaang nagkakaloob sa kahilingan; ang hindi sinasadyang kalabasan ng pag-eendorso o pagpapatunay ng Departamento; ang potensyal para sa maling paggamit; ang epekto sa seguridad ng Departamento; ang kalabasan ng reputasyon sa paggamit; at ang lawak ng kontrol ng Departamento sa sukdulang paggamit at distribusyon ng anumang produkto (mga) o publikasyon(mga) dala ang opisyal na sagisag ng Departamento.

Ang paggamit ng mga pangalan o mga inisyal ng Federal Bureau of Investigation (federal na kawanihan para sa nag-iimbestiga), ng Drug Enforcement Administration (ahensya sa pagpapatupad ng batas ng droga), at ng United States Marshals Service (sangay na nagpapatupad ng mga federal na batas) ay pinamamahalaan ng 18 U.S.C. sec. 709, na nagbabawal sa kanilang hindi awtorisadong paggamit sa paraang kinakalkula upang maihatid ang impresyon na ang paggamit na iyon ay inaaprubahan, iniindorso, o pinahihintulutan ng bahagi na iyon,  maliban kung ang nakasulat na pahintulot ay natanggap mula sa pinuno ng kaukulang bahagi.

Mga Alituntunin ng Kalidad ng Impormasyon

Ang Department of Justice ay naglabas ng mga alituntunin upang makatulong na matiyak ang kalidad, kawalang-kinikilingan, pagiging kapaki-pakinabang at integridad ng impormasyong ipinapalaganap nito sa publiko, kasama ang impormasyong ibinigay sa website na ito. Ang mga kasanayan at pamamaraan ng kalidad ng impormasyon ng Departamento ay makikita sa  Pahina ng Kalidad ng Impormasyon ng DOJ. Kasama sa mga alituntunin ng kalidad ng impormasyon ng Departamento ay ang mga pamamaraan para humiling ng pagwawasto ng ipinakalat na impormasyon. Gagawin ng Departamento ang lahat ng pagsisikap na itama ang mga pagkakamaling dinala sa aming atensyon.

Pagtatatuwa ng Pananagutan at Pag-endorso

Habang ang Departamento ay nagsisikap na gawin ang impormasyon sa website na ito bilang napapanahon at tumpak hangga’t maaari, ang Departamento ay hindi gumagawa ng mga pahayag, pangako, o garantiya tungkol sa katumpakan, pagkakumpleto, o kasapatan ng mga nilalaman ng site na ito, at hayagang itinatanggi ang pananagutan para sa mga pagkakamali at pagtanggal sa mga nilalaman ng site na ito. Walang anumang uri ng warranty, ipinahiwatig o ipinahayag, o ayon sa batas, kabilang ngunit hindi limitado sa mga warranty ng hindi paglabag sa mga karapatan ng pangatlong-partido, titulo, magiging mapagkalakal, kaangkupan para sa isang partikular na layunin o kalayaan mula sa virus ng computer, ang ibinigay patungkol sa mga nilalaman ng website na ito o mga link nito sa iba pang mapagkukunan ng internet.

Ang impormasyong lumalabas sa website na ito ay para sa pangkalahatang layuning pang-impormasyon lamang at hindi nilalayon na magbigay ng legal na payo sa sinumang indibidwal o entidad. Hinihimok ka naming kumonsulta sa iyong sariling legal na tagapayo bago gumawa ng anumang aksyon batay sa impormasyong lumalabas sa site na ito o anumang site kung saan ito maaaring maiugnay.

Minsan ang Department of Justice ay kinakailangan, dahil sa isang legal na pangangailangan tulad ng Freedom of Information Act o isang utos ng hukuman, na mag-post ng mga dokumentong nabuo ng mga pangatlong-partido na maaaring naglalaman ng nakakasakit, mapanirang-puri o mapanlinlang o kung hindi man ay hindi naaangkop na nilalaman. Tinatanggihan ng Departamento ang responsibilidad para sa nilalaman ng mga dokumentong ito.

Ang pagbanggit sa site na ito sa anumang particular na komersyal na produkto, proseso, o serbisyo, o ang paggamit ng anumang pangalan ng kalakalan, kumpanya or korporasyon ay para sa impormasyon at kaginhawaan ng publiko, at hindi bumubuo ng pag-endorso, rekomendasyon, o pagpabor ng Department of Justice.

Binago Abril 16, 2024